^

Police Metro

3 kelot nagbigti

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines -Tatlong lalaki ang naiulat na nagbigti sa magkakahiwalay na lugar at oras sa lalawigan ng Cavite, ayon sa ulat ng pulisya.

Matinding selos ang nag­­tulak sa biktimang si Ryan Enrera, 28, ng Ma­buhay Homes 2000, Brgy.Paliparan 2, Dasmariñas City, Cavite na magbigti sa banyo ng kanilang bahay gamit ang kurtina matapos umanong mabalitaan na may nanliligaw na iba sa kan­yang kinakasama.

Sa imbestigasyon, alas-10:15 ng gabi nang madis­kubre ng kinakasama ng bik­tima na si Helen Ramos ang insidente.

Dakong alas-8:05 ng gabi ay nagpakamatay rin ang isang George Wilbur Bakeomeamea, 24, college student sa loob ng banyo ng tinutuluyang boarding house sa Brgy. Kaytapos, Indang.

Nabatid na gumamit ng sinturon ang biktima ma­tapos umanong hindi ma­kayanan ang problema sa pamilya.

Ang panghuli ay isang 30-anyos na lalaki na may sakit sa pag-iisip ang nagbigti gamit ang sintas ng sapatos matapos umanong hindi makayanan ang lagnat.

Ang biktima ay nakila­lang si Cham Thurston, binata ng Sampaguita Ave. Seabreeze Subdivision, Brgy. 28 Caridad, Cavite City. 

Sa imbestigasyon ganap na alas-10:00 ng umaga nang madiskubre ang nakabigting katawan ng biktima sa hamba ng kanyang kuwarto.

 

 

vuukle comment

BRGY

CAVITE

CAVITE CITY

CHAM THURSTON

GEORGE WILBUR BAKEOMEAMEA

HELEN RAMOS

RYAN ENRERA

SAMPAGUITA AVE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with