^

Police Metro

Sagupaan:1 rebelde,4 pa sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay sa sagupaan ang isang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang apat pa nitong kasama  ang nasugatan naganap sa bulubunduking bahagi ng Makilala, North Cotabato.

Sinabi ni Lt. Col. Lyndon Paniza, Spokesman ng Army’s 10th Infantry Division (ID), nakasagupa kamakailan ng tropa ng Army’s 57th Infantry Batallion (IB) ang grupo ng mga rebelde na nangi­ngikil sa mga magsasaka ng saging sa Brgy. Luayon ng nasabing lugar.

Ayon sa opisyal, nag­responde sa lugar ang mga sundalo matapos makatanggap ng ulat hinggil sa pangingikil ng mga rebelde.

Agad na sinalubong ng putok ng nasa 40 rebelde ang tropa ng mga sundalo na nauwi sa bakbakan na tumagal ng may 30 minuto.

Napaslang ang isang rebelde na natukoy na miyembro ng Front Com­mittee 72 ng NPA na sangkot sa talamak na extortion sa lalawigan habang apat na rebelde ang nasugatan na binitbit ng mga nagsitakas ng mga itong kasamahan.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

FRONT COM

INFANTRY BATALLION

INFANTRY DIVISION

LYNDON PANIZA

NEW PEOPLE

NORTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with