^

Police Metro

UP Manila coed na walang pang-tuition, naglason

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang kahirapan umano sa buhay ang posibleng dahilan kung kaya’t tinapos ng isang 16-anyos na babaing UP student ang buhay sa  pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner kahapon ng madaling-araw sa loob ng kanilang bahay sa J. Abad  Santos, Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay nakilalang si Kristel Teja­da, 1st year student sa kursong Behavioral Science sa University of the Philippines-Manila.

Kinumpirma ni Professor Andrea Martinez ng UP-Manila na ang biktima ay uminom ng silver cleaner sa kanilang bahay sa J. Abad Santos sa Tondo, Maynila dakong alas-3:00 madaling araw at hindi na ito umabot ng buhay nang isugod ng mga magulang sa Metropolitan Medical Center.

Ayon pa kay Prof. Martinez, guro ng biktima, na noong nakaraang linggo lamang ay nag-file ang biktima ng leave of absence mula sa UP dahil hindi ito nakapagbayad ng kanyang tuition fee.

Mula umano nitong buwan ng Pebrero ay hindi na nakakapasok ang biktima dahil bukod sa problemang pinansiyal, may problema rin umano ito sa pamilya.

Nabatid din na noong Lunes ay nag-post pa ito ng kanyang status sa kanyang facebook account “I hope, I will be missed”.

Nito lamang din Miyerkules ay nag-text pa ang biktima kay Prof. Martinez at ipinaalam na hindi maa­yos ang kanyang kondisyon.

Idinagdag pa ni Prof.Martinez na nagkuwento sa kanya ang biktima at sinabi na  malaki ang epekto sa kanya ng paghinto sa pag-aaral dahil siya ang panganay sa kanilang 5 magkakapatid at gusto niyang siya ang magtagu­yod sa mga nakababatang kapatid at magulang.

Ang ama ni Kristel ay isa umanong part time taxi driver habang ang ina naman nito ay walang trabaho.

Samantala, sinabi ni Cleve Arguelles, student leader ng UP-Manila na walang dapat sisihin sa pagpapakamatay ni Tejada kundi ang UP administration dahil sa ilang beses na umanong lumuhod ang mga magulang ng biktima na pagbigyan ang kanilang anak na makakuha ng final exam kahit hindi pa sila nakakabayad ng tuition fee, subalit hindi umano pinagbigyan.

Sinabi ni Arguelles na hanggang Marso 13  lamang ang itinakdang deadline ng UP Manila para makapag-bayad ng tuition fee at batay sa pinaiiral na “no late payment policy” ay  mababalewala na ang kanilang buong semestre dahil matatanggal sila sa listahan ng mga enrollees

Sinasabing mula noong Miyerkules ay umiiyak palagi ang biktima at nakiusap na rin ito sa kanyang mga professor na matulu­ngan pero walang magawa ang mga ito. - Ludy Bermudo, Angie dela Cruz -

vuukle comment

ABAD SANTOS

BEHAVIORAL SCIENCE

BIKTIMA

CLEVE ARGUELLES

KRISTEL TEJA

LUDY BERMUDO

MAYNILA

METROPOLITAN MEDICAL CENTER

MIYERKULES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with