^

Police Metro

Grade 3 pupil ginahasa at pinatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bangkay na nang ma­tagpuan ang isang Grade III pupil na nawala ng mahigit dalawang linggo sa Los Baños, Laguna matapos na ituro ang bangkay nito kamakalawa ng hapon ng pedicab driver na pumatay sa kanya.

Ayon sa ulat ni Lagu­na Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Pascual Muñoz Jr., kinilala ang biktima na si Mary Grace Esguerra, 11-anyos na nawawala simula pa noong Marso 1 bandang alas-11:00 ng gabi habang pauwi ng kanilang bahay.

Ang biktima ay nag­titinda ng mani sa University of the Phi­lippines–Los Baños (UPLB) at residente ng Gawad Kalinga Housing Project sa Brgy. Puthong Tuntungin ng nasabing bayan.

Ang suspek ay kinila­lang si Henry Hipolito, 25, pedicab driver na sinak­yan ng biktima noong ga­bi ng Marso 1 nang mawala ito.

Halos naaagnas na ang bangkay ng biktima nang matagpuan ito dakong alas-5:00 ng hapon sa madamong bahagi ng Villa Caringal Subdivision ng nasabing barangay matapos na ituro ito ng suspek na umamin sa krimen.

Sa himpilan ng pulis­ya, ini-report ng suspek ang pagkakadiskubre umano niya sa bangkay ng biktima matapos na mapagawi siya sa lugar upang dumumi umano at umihi.

Nagtungo ito sa pulis­ya at ini-report kung saan umano niya inihatid ang bata noong gabi ng Marso 1,  pero dahilan sa kadudadudang pahayag ay piniga ito sa imbestigasyon hanggang sa aminin ang krimen.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ang isang lalaking sakay din sa pedicab ng gabing maganap ang krimen. 

 

vuukle comment

DIRECTOR P

GAWAD KALINGA HOUSING PROJECT

HENRY HIPOLITO

LOS BA

MARSO

MARY GRACE ESGUERRA

PASCUAL MU

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with