^

Police Metro

Riding-in-tandem nakipag-karera kay kamatayan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kamatayan ang naging kapalit nang pakikipagkarera ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa isa pang motorsiklo sa Edsa, Mandaluyong City, matapos itong sumalpok sa isang kotse  kamakalawa ng gabi.

Ang dalawang nasawi ay nakilala sa pamamagitan ng nakuhang driver’s license na si Arnulfo Herrera habang ang isa ay inilarawan na nasa pagitan ng edad 25-27, may taas na 5’6”-5’7”, medium built ang katawan.

Sa ulat ng isang testigo sa pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi ay nakita nito ang mga biktima na mabilis na pinahaharurot at nakikipagkarera sa isang motorsiklo sa sa southbound lane ng Edsa.

Pagdating sa Connecticut St., ay nagpagewang-gewang ang motorsiklo at sumalpok sa isang Toyota Vios (TIF-997) na minamaneho ni Ramon Garcia.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang mga biktima na una ang mga ulo na bumagsak sa kalsada na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

vuukle comment

ARNULFO HERRERA

CONNECTICUT ST.

EDSA

ISANG

KAMATAYAN

MANDALUYONG CITY

PAGDATING

RAMON GARCIA

TOYOTA VIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with