623 Pinoy refugees pa mula Sabah dumating
MANILA, Philippines - Mahigit 623 Pinoy reÂfugees mula Sabah, Malaysia ang ligtas na nakarating sa Bongao, Tawi-Tawi matapos magsilikas sa nasabing bansa bunga ng bakbakan ng mga otoridad doon at ng Sultanate of Sulu Royal Army.
Ang mga refugees na lulan ng mga bangka at may dalang ilang sako ng bigas na galing sa Sandakan, Malaysia ay naharang ng mga barko ng Philippine Navy sa TaÂganak Island at inihatid sa Bongao, Tawi-Tawi.
Sa ulat ng Task Force Tabang BASULTA (Basilan, Sulu, Tawi-Tawi), una nang dumating sa Zamboanga City ang nasa 300 evacuees sa pag-uumpisa pa lamang ng madugong sagupaan sa pagitan ng Malaysian forces at ng grupo ni Datu Raj Muda Agbimuddin Kiram sa Lahad Datu, Malaysia noong Lunes.
Kamakailan lamang ay nasa 72 evacuees din ang nagsilikas at dumaÂting sa Simunul, Island sa Tawi-Tawi sa takot na maipit sa umaatikabong bakbakan doon.
Nabatid na nagsilikas ang huling batch ng mga refugees matapos ang hakbangin ng Malaysia na dakÂpin ang mga pinaghihinalaang terorista umano mula sa grupo nina Sultan Kiram pero karamihan sa mga hinuli ay mga sibilÂyang Pinoy na nagtratrabaho doon.
- Latest