^

Police Metro

Walang shootout sa Atimonan – DOJ... Marantan, 34 pa kinasuhan ng multiple murder

Ludy Bermudo at Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng kasong multiple murder laban sa 21 pulis na pinangungunahan ni Supt.Hansel Marantan at sa 14 na sundalong sangkot sa Atimonan incident na ikinasawi ng 13 katao sa Atimonan, Quezon noong Enero 6. 

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima sa press conference kahapon, batay na rin sa   report ng NBI  hinggil  sa nangyaring operasyon ay napatunayang walang naganap na palitan ng putok o shootout kundi ang layunin lamang ng operasyon ay ang pamamaslang sa hinihinalang jueteng operator na si Vic Siman at mga kasamahan. 

“All indications point to a rubout,”ani De Lima.

Kasama rin sa kakasuhan ang nasibak na Calabarzon PNP Regional Director Chief Supt. James Melad habang pinangungunahan naman ni Lieutenant Colonel Monico Abang ang mga kakasuhan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Bukod pa ito sa kasong administratibo sa mga pulis na inaprubahan noon ni PNP Chief General Alan Purisima.

Maliban sa multiple murder cases,  kakasuhan din ng obstruction of justice  ang mga respondent na pulis at sundalo.

Inihayag pa ng kalihim na batay sa physical at forensic evidence na nakalap ng NBI, na malapitan umano ang pabaril sa grupo ni Vic Siman, at tatlong iba pa dahil muzzle ng baril na may nasa 36 na talampakan.

Giit ng kalihim na batay sa kanilang findings may tampering sa crime scene. 

Sa kabuuan ay umaabot sa 190 bullets ang pinatama sa unang Montero SUV at 61 bullets naman sa ikalawang SUV.

Sa 64-pahinang fin­dings and recommendation ng NBI, kabilang sa mga pinakakasuhan ay sina Police Chief Supt James Andres Melad, Marantan, P/Insp John Paolo Carracedo, SPO1 Arturo Sarmiento, P/Supt Ramon Balauag, P/Insp Timoteo Orig, SPO3 Joselito de Guzman, SP01 Carlo Cataquiz, P03 Eduardo Oronan, PO2s Nelson Indal, Al Bhazar Jailani, PO1s Wryan Sardea, Rodel Talento, P/CI Grant Gollod, P/Insps. Ferdinand Aguilar, Evaristo San Juan, PO3 Benedict Dimayuga, PO2 Ronnie Serdena, PO1s Esperi­dion Corpuz Jr., Bernie de Leon, at Allen Ayubo.

Sa panig ng AFP, kabilang sa mga kakasuhan  ay  sina Lt Col Monico Abang (battalion cmdr), Capt. Erwin Macalinao-commanding officer, 1Lt. Rico Tagure, TSG Melanio Balauitan Cpl. Clark Mag-usara, PFC Michael Franco, Pfc. Kirby-Tam Coronel, Alvin Roque Pabon, Ricky Jay Borja, Melvin Lumalang, Gil Gallego, PVTs Marc Zaldy Docdoc, Emergin Barrete at Michard Mangao.

 

 

AL BHAZAR JAILANI

ALLEN AYUBO

ALVIN ROQUE PABON

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARTURO SARMIENTO

ATIMONAN

BENEDICT DIMAYUGA

VIC SIMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with