^

Police Metro

‘Rapist’ na opisyal ng PNP sumuko

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kusang loob ng sumuko kahapon sa kanyang mga kabaro ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sinasabing nanggahasa sa isang 15-taong gulang na dalagita sa Parañaque City.

Hawak na ng Sou­thern Police District Office si Senior Insp. Mujalni Dugasan “alias Johnny”, 55, commander ng Police Community Precinct 3 (PCP-3) makaraang sumuko kay Sr. Supt. Andrei Felix.

Si Dugasan  ay sinampahan ng kasong rape at child abuse sa Parañaque City Prosecutor’s Office noong Huwebes matapos magreklamo sa Women and Children’s Protection Desk ang dalagitang biktima na itinago sa pa­ngalang Lorna.

Ayon kay Lorna, nagpunta siya noong Martes ng gabi sa PCP 3 upang magtanong kung saan nakatira ang kanyang ka­klase.

Lumabas ang suspek at nilapitan nito ang biktima upang ipabasa ang text message sa kanyang cell phone dahil malabo na umano ang kanyang mata.

Sinabi ni Lorna, inalok umano siya ng suspek  na ihahatid  sa pupuntahan nito pero sa halip na samahan ay dinala siya sa parking lot ng Parañaque Police Headquarters at doon umano isinagawa ang panghahalay habang nasa loob ng Toyota Innova na may plakang ZCB-451 na pag-aari ng pulis.

Nang makauwi ang biktima sa kanilang bahay isinalaysay nito sa mga magulang ang masaklap na sinapit kaya’t nagreklamo sila sa mga awtoridad.

vuukle comment

ANDREI FELIX

CITY PROSECUTOR

LORNA

MUJALNI DUGASAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE COMMUNITY PRECINCT

POLICE DISTRICT OFFICE

POLICE HEADQUARTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with