Pugante sa Bicol, nadakip sa Pasig City
MANILA, Philippines - Isang pugante na may kasong murder mula sa Legazpi City, Bicol na nagtago ng halos apat na taon ang naaresto ng mga otoridad sa isang operasyon na isinagawa sa Pasig City kahapon ng umaga.
Ang suspek ay nakilaÂlang si Alex Malate, 40, na pansamantalang nanunuluyan sa 118-3rd Avenue, Caloocan City na naaresto ng mga otoridad ng Warrant and Subpoena Section ng Pasig City Police at Daraga Albay police dakong alas-9:00 sa loob ng construction site sa Pearl Plaza Condominium na matatagpuan sa Golditop Pearl Avenue, Ortigas Center, Barangay San Antonio, Pasig City.
Ang pagkaaresto kay Malate ay resulta ng limang buwang surveillance na isiÂnagawa ng mga opeÂraÂtiba matapos na maÂkaÂtanggap ng impormasÂyon na nagtatrabaho ito bilang construction
worker sa lugar.
Hindi na nakapalag ang suspek nang ipakita sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Jose Dy, ng Legazpi City Regional Trial Court branch 7.
Batay sa record, si MaÂlate ay wanted sa Daraga City police simula pa noong Hunyo 30, 2009. Kaagad naman itong itiÂnurn-over sa Daraga Police Station.
- Latest
















