^

Police Metro

Nene ni-rape ng binatilyo sa maisan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng pulisya na naka-implu­wen­siya sa isipan ng isang 15-anyos na binatilyo ang pa­nonood nito ng malalas­wang palabas kung kaya’t nagawa nitong gahasain ang 9-anyos na batang babae sa gitna ng maisan kama­ka­lawa ng hapon sa Brgy. Poblacion Bajo, Sergio Osmeña, Zam­boanga del Norte.

Sinamahan ng ama ang anak nito na itinago sa pa­nga­lang Chi-chi sa himpilan ng pulisya para magsampa ng kasong rape sa suspek na isang menor-de-edad.

Sa ulat ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon sa gitna ng maisan sa Poblacion Bajo, Sergio Os­meña.

Nabatid na bago naganap ang panghahalay ay naligo umano ang biktima kasama ang nakababata ni­tong kapatid na 8-anyos na lalaki sa isang sapa may 2 kilometro ang layo sa kanilang bahay nang hindi na bumalik sa kanilang eskwelahan matapos ang lunch break.

Dito ay dumating ang suspek at inabutan ang da­lawang hubo’t hubad na magkapatid na masayang naliligo sa sapa at tinukso pa nito.

Inalok pa umano ng suspek ang biktima ng P44.00 kapalit ng halik at pinauuwi na ang kapatid ng biktima.

Dali-dali din nagbihis ang biktima para umuwi na subalit, habang pauwi ay hinarang siya ng suspek sa gitna ng maisan at ginahasa.

Inaresto naman ng mga otoridad ang suspek na na­katakdang iturn-over sa kustodya ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD).

 

BRGY

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVE

POBLACION BAJO

POLICE REGIONAL OFFICE

SERGIO OS

SERGIO OSME

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with