^

Police Metro

Anak dinedo ng ama

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa Mandaluyong City Medical Center ang isang 25-anyos na lalaki makaraang itong pagsasaksakin ng sariling ama makaraang mag­karoon sila ng mai­ni­tang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Man­da­luyong City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinila­lang si Ber­nard Esponilla, ng No.9 Block 34, Welfareville Com­pound, Barangay Addi­tion Hills, Mandaluyong City.

Habang sumuko naman ang suspek na ama nito na si  Rudy Esponilla, 54.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi ay lasing na umuwi ang suspek sa kanyang bahay at narinig ng mga kapitbahay na pinagagalitan ng una ang anak hanggang sa magkaroon ng komosyon.

Ilang minuto ang nakalipas habang nagtatalo ang mag-ama ay  duguang bumagsak ang biktima dahil sa tatlong tama ng saksak sa katawan.

Isang concerned citizen ang nagsumbong sa barangay na naging dahi­lan para maaresto ang suspek habang dinala sa nasabing ospital ang biktima na kung saan ay idineklara itong dead-on-arrival.

Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang isang duguang kitchen knife na may 14 na pulga­da ang haba at pinaniniwalaang siyang ginamit sa pamamaslang.

Bagama’t hindi umano interesado ang mga ka­anak ng biktima na mag­sampa ng kaso laban sa suspek, sinabi naman ng mga otoridad na sila na ang magsasampa ng kasong parricide.

 

vuukle comment

BAGAMA

BARANGAY ADDI

BATAY

ESPONILLA

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

RUDY ESPONILLA

SHY

WELFAREVILLE COM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with