5 pa nawawala… 4 katao dedo sa landslide

MANILA, Philippines - Aksidenteng natabunan ng lupa ang isang pam­pasaherong jeep at dalawang motorsiklo sa naganap na landslide na ikinasawi ng apat katao habang lima ang nali­bing nang buhay naganap kamakalawa ng hapon sa Mati City, Davao Orien­tal.

Ang mga namatay ay kinilalang sina Artu­ro Sucnaan, 57; Arnel Suc­naan, 35; Leonora Mabandos; pawang mga pasahero ng jeepney at isa pang hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan na motorcycle rider.

Patuloy na pinaghahanap ng search and retrieval team ang lima pang katao na nalibing nang buhay.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bandang alas-12:50 ng hapon ay kasalukuyang pauwi ang mga biktima sa kanilang bahay na lulan ng dalawang motorsiklo at isang pampasaherong jeepney nang rumagasa ang landslide sa Sitio Ulasisi, Brgy.Tagabakid sa lungsod at aksidenteng matabunan ang mga biktima.

Narekober ang bangkay ng apat matapos na magresponde sa lugar ang search and rescue teams makalipas ang ilang oras.

Ang landslide ay sanhi ng mga pag-ulan sa lugar na naranasan sa loob ng ilang araw bunsod upang lumambot ang lupa at gu­muho.

 

Show comments