^

Police Metro

Binata pinabulagta

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang binata makaraang pagsasaksakin ng dalawang lalaki na kanyang nakasagutan matapos silang magkabanggaan ng balikat sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Jonhver Ortiz, 28, karpintero, stay-in sa TSD barracks na matatagpuan sa Ermin Garcia St., Brgy. Silangan sa lungsod.

Hanap naman ng awto­ridad ang mga suspek na sina Jonathan Rodolfo, 19, laborer na taga Valenzuela City at Jimmy Mancoba, 30, steelman ng Turayong, Cauyan City, Isabela.

Sa ulat ni SPO1 Greg Maramag, may-hawak ng kaso, nangyari ang in­sidente sa may TSD construction sa Ermin Garcia St., Brgy. Silangan, Cubao, ganap na alas- 2:30 ng madaling-araw.

Bago ang krimen ay naglalakad pababa sa hagdan sa nasabing lugar ang biktima galing sa inuman nang aksidenteng mabangga nito sa balikat si Rodolfo.

Nagalit umano si Rodolfo, kaya kinompronta nito ang biktima at nagkaroon ng pagtatalo.

Sa kainitan ng pagta­talo, biglang nagbunot ng patalim si Rodolfo habang hinawakan naman ni Mancoba ang magkabilang balikat ng biktima, bago ito tinarakan ng sunud-sunod na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 

vuukle comment

BRGY

CAUYAN CITY

ERMIN GARCIA ST.

GREG MARAMAG

JIMMY MANCOBA

JONATHAN RODOLFO

JONHVER ORTIZ

QUEZON CITY

RODOLFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with