^

Police Metro

Tourist bus sumalpok sa trak… Trahedya sa field trip: 7 todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nauwi sa malagim na trahedya ang masaya sanang field trip ng isang eskwelahan matapos na masawi ang pitong katao na karamihan ay college student nang sumalpok ang kanilang sinasak­yang tourist bus sa kasalubong na delivery truck  sa national highway ng Tuba, Benguet kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Diane Lauro,  Mariel Mingi, Princess Ann Pastorside, Jenny Liza Lantorva, guro; Leopoldo Nana, Carlo Pintor at Melvin  Molatino.

Ang mga nasugatan naman ay sina Roselyn Roldan, Joel Bengva, Milagrito Balistoy, Jose Bonife at iba pa na pa­wang nilalapatan na ng lunas sa Baguio General Hospital.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang malagim na sakuna sa kahabaan ng national highway sa Badiwan area, Tuba.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na ang mga biktima na kinabibilangan ng mga guro at estud­yante ng Marinduque State College ay patungo sa kanilang field trip sa Baguio City lulan ng tourist bus ( AFB-769) nang mangyari ang sakuna.

Nabatid na nawalan umano ng preno ang tourist bus na sinasakyan ng mga biktima na sumalpok naman sa  kasalubong na delivery truck (WPG-581) na tumatahak sa lugar.

Sa lakas ng pagkakabangga ay agad na binawian ng buhay ang mga biktima sanhi ng malulubhang sugat na tinamo sa kanilang mga katawan habang mabilis namang isinugod sa pagamutan ang mga nasugatan kabilang ang ilang lulan ng delivery truck.

Kinasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple homicide and physical injuries ang dalawang driver ng nagbanggaang mga sasakyan.

BAGUIO CITY

BAGUIO GENERAL HOSPITAL

CARLO PINTOR

DIANE LAURO

JENNY LIZA LANTORVA

JOEL BENGVA

JOSE BONIFE

LEOPOLDO NANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with