^

Police Metro

1 pasahero dedo sa tumagilid na jeep

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippine s- Hindi na umabot ng buhay sa Delos Santos Medical Center ang biktimang si Gerald Alvin Faypon, 29 dahil sa tinamong pinsala sa ulo matapos ang sinasakyang pampasaherong jeep ay tumagilid nang sumalpok sa dalawang kotse kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng E. Rodriguez Sr., Quezon City.

Nasugatan naman ang mga pasaherong sina Roviedhel Arceta, 20; Rhodora Jacinto, 45; Rolando Javier Jr., 28; Visitacion Largo, 31; at Rizalina Montemayor, 32.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi ay tinatahak ng pampasahe­rong jeep na minamaneho ni Romeo Igpit, 42 at bi­nabaybay ang kahabaan ng E. Rodriguez Sr., Ave­nue nang tumbukin nito ang kaliwang bahagi ng isang Mitsubishi Aventure na tinatahak ang kabilang direksyon ng nasabing kalye.

Sa lakas ng pagkakabangga ay napuwersang kumanan ang jeep at su­malpok naman sa Toyota Vios at sa kasamaang palad ay tumumba pata­gilid ang jeep dahilan para maipit ang katawan ni Faypon sa bangketa ng nasabing kalye.

vuukle comment

DELOS SANTOS MEDICAL CENTER

GERALD ALVIN FAYPON

MITSUBISHI AVENTURE

QUEZON CITY

RHODORA JACINTO

RIZALINA MONTEMAYOR

RODRIGUEZ SR.

ROLANDO JAVIER JR.

ROMEO IGPIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with