^

Police Metro

P1-B infrastructure projects sa QC

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahigit sa P1 bilyon na infrastructure projects ang laan ng  Quezon City Engineering Department (QCED) ngayong 2013 na ang layunin ay higit pang mapalawak at mapahusay ang pagkakaloob ng pa­ngunahing serbisyo sa mga taga QC.

Sinabi ni Engr. Jose­lito Cabungcal, hepe ng QCED na may  93 ver­tical structures ang ginastusan ng tanggapan na may halagang P700 milyon para sa repair/rehabilitation at improvement ng day care centers, health centers, barangay halls, multi-purpose halls, mga paaralan at iba pang straktura.

Bukod pa anya ito sa P5-milyon halaga ng ho­rizontal projects  na ipatutupad ngayong taon kabilang ang 24 na proyekto na nakapaloob sa flood control category habang ang  62 proyekto ay  para sa road improvement, drainage improvement, clearing at paglilinis ng mga  waterways bracket.

Idinagdag pa ni Ca­bungcal na sa kasaluku­yan, ang QCED ay may nakumpleto nang mga proyekto tulad ng pagtatayo ng iba’t ibang mga straktura sa iba’t ibang barangay sa QC na uma­akma sa safety in government standards.

BUKOD

CABUNGCAL

IDINAGDAG

MAHIGIT

QUEZON CITY ENGINEERING DEPARTMENT

SHY

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with