^

Police Metro

Holdaper bulagta sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bulagta sa kalye ang isang holdaper makaraang makipabarilan sa mga awtoridad, ilang minuto matapos nitong holdapin ang isang dalagitang estudyante sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sinabi ni Supt. Norberto Babagay, hepe ng Quezon City Police District Station 11, wala silang nakitang pagkakakilanlan sa nasawing suspek pero isinalarawan niya ito sa pagitan ng edad na 30-35, may taas na 5’4, moreno, may tattoo na “Masi”,”Barok”, “Boy Munoy”, “Talim” , “Parola”, larawan ng dalawang lalaki, at “Mo” sa mag­kabilang braso nito.

Ayon kay Anjanete del Rosario, 15, estudyante ng San Bartolome high School, ang napatay na holdaper ang siyang humoldap sa kanya at tuma­ngay ng kanyang cell phone.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Eric Lazo ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, nangyari ang shootout sa Road St., katabi ng Nissan Building, Quezon Avenue, corner Araneta Avenue, Brgy. Tatalon, ganap na alas-12:30 ng madaling araw.

Bago ang insidente, naghihintay umano ng masasakyang jeepney ang biktima malapit sa lugar papauwi sa Novaliches, nang biglang sumulpot ang suspek at deklara ng holdap.

Kinuha umano ng suspek ang Samsung wave na cell phone ng biktima na nakasabit sa leeg nito, saka mabilis na tumakas.

Nakita ng estudyante ang nagpapatrulyang pulis na sakay ng isang mobile car at mabilis na hiningan nito ng tulong.

Agad namang nagsagawa ng pagtugis ang mga awtoridad kasama ang biktima, hanggang sa maispatan ng mga ito ang suspek sa Nissan motors building.

Tinangka ng mga awtoridad na arestuhin ang suspek pero nanlaban umano ito at nakipagbarilan sa mga awtoridad na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Nagtamo ang suspek tama ng bala sa ulo, dibdib, at braso.  Nabawi rin mula sa kanya ang cell phone ng biktima at isang kalibre 38 baril.

vuukle comment

ARANETA AVENUE

BOY MUNOY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ERIC LAZO

NISSAN BUILDING

NORBERTO BABAGAY

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with