^

Police Metro

Baril ng tatay na pulis pinakialaman… 2-anyos patay sa 4-anyos na kuya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 2-anyos na batang lalaki matapos na ito ay mabaril ng kanyang kuya na 4-anyos na pinakialaman ang service firearm ng kanyang amang pulis naganap sa loob ng kanilang bahay sa San Fernando City, La Union kamakalawa ng gabi.

Ang nasawing biktima ay nakilalang si Kerbie Gapuz, na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang pisngi na naglagos sa kaliwang bahagi ng ulo nito.

Nasa state of shock naman at hindi makausap ang 4-anyos na suspek na itinago sa pangalang Junjun dahilan sa aksidenteng pagkakapatay sa bunsong kapatid.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 1 Spokesman Sr. Supt. Jovencio Badua, bandang alas-8:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ni PO2 Nestor Gapuz, miyembro ng San Fernando City Police sa Brgy. Timpuyug, Brgy. Lingat ng lungsod.

Bago ang aksi­dente,  pasado alas-5:00 ng hapon ay umuwi sa kanilang bahay si PO2 Gapuz mula sa duty at agad na ipinatong ang bag na naglalaman ng kaniyang Glock pistol cal G23 sa kanilang sala habang naglalaro ang kaniyang dalawang paslit na anak.

Pansamantalang iniwan ni PO2 Gapuz ang dalawang bata at nagtu­ngo ito sandali sa kanilang kuwarto upang magpalit ng damit.

Ilang oras ang nakakalipas habang nagpapa­hinga sa kuwarto ay    nagulat ito nang umali­ngawngaw ang isang ma­lakas na putok ng baril.

Nang tunguhin nito ang sala ay nakitang na­kabulagta ang bunsong anak habang hawak naman ng kuya ang kanyang armas.

Nahaharap ngayon sa kasong administratibo ang nasabing pulis dahil sa kapabayaan.

vuukle comment

BRGY

GAPUZ

JOVENCIO BADUA

KERBIE GAPUZ

LA UNION

NESTOR GAPUZ

POLICE REGIONAL OFFICE

SAN FERNANDO CITY

SAN FERNANDO CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with