^

Police Metro

4 pulis sa MM, tinanggal sa serbisyo, 4 na-demote

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Tinanggal sa serbisyo ang 4 na pulis dahil sa mga kinakaharap na kasong kriminal at admi­nistratibo.

Ang mga tinanggal sa serbisyo ay  sina PO3 Jessie Villanueva, ng Eastern Police District (EPD), may kasong pagnanakaw at illegal na pag-aresto; PO2 Joseph Padilla, may kasong murder at attempted murder; PO1 Fulgencio Sideco, illegal discharge of firearms; at PO1 Danilo Buniel ng Manila Police District (MPD) dahil sa pagiging AWOL o absent without official leave.

Na-demote naman ang 4 na pulis na kinilalang sina SPO3 James Caesar Bautista (NPD), may kasong obstruction of justice at dishonesty; PO2 Ronald Beran (NPD), physical injuries at illegal na pagpapaputok ng baril; PO2 Exequiel Arevalo (QCPD) na hindi dumadalo sa mga pagdinig sa korte at PO2 Jun Bernardo na nag-AWOL.

Ang mga sinuspinde naman ay sina PO1 Wilex Daganta (SPD), PO2 Hubert Pascual (EPD), PO2 Ace Mitchell Adenic (EPD), PO1 Forrtunato  Sus (QCPD), SPO2 Diosdado  Lagajino (QCPD), PO1 Louie Aaron Siscar (NPD), PO1 Franer  Gomez (NPD), at PO2 Noli  Collado.

Nilinaw ni NCRPO Chief Director, C/Supt. Leonardo Espina na hindi lamang pagsibak at pagsuspinde ang kanilang ginagawa dahil sa nagbibigay din sila ng komendasyon at promosyon sa mga pulis na karapat-dapat,  naglilingkod ng tapat at nagkakaloob ng wastong serbisyo at proteksiyon sa publiko.

ACE MITCHELL ADENIC

CHIEF DIRECTOR

DANILO BUNIEL

EASTERN POLICE DISTRICT

EXEQUIEL AREVALO

FULGENCIO SIDECO

HUBERT PASCUAL

JAMES CAESAR BAUTISTA

JESSIE VILLANUEVA

JOSEPH PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with