^

Police Metro

Utol inutas ng kuya dahil sa lumpiang shanghai

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi sukat akalain ng isang 34-anyos na lalaki na ang pagsita niya sa kanyang kuya na umubos ng ulam na lumpiang shanghai na tinira niya para sa kanyang mga anak ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan matapos siyang saksakin nito sa likod kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Ang biktima na namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center ay kinilalang si Cristobal Cabral, ng no. 112 Romualdez St., Tondo, dahil sa isang saksak sa likod na kung saan ay napuruhan ang kanyang spinal column.

Nadakip ang suspek na si Cristino Cabral, 37, residente rin ng lugar ilang oras matapos gawin ang krimen.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang away ng magkapatid na nauwi sa pananaksak dakong alas-2:00 ng hapon nitong Biyernes sa tapat ng kanilang bahay ay una nang nagkaroon ang mga ito ng pagtatalo noong Huwebes ng gabi.

Nabatid na nagkainitan ang magkapatid nang sitahin ng biktima ang kanyang kuya hinggil sa kinaing lumpiang shanghai na nasa refrigerator. Sobrang galit umano ng biktima dahil  para sa kaniyang mga anak ang itinirang lumpia na inubos ng kuya.

Upang humupa ang away ay umalis  ang kuya at nakitulog sa kaibigan at kinabukasan na ng hapon umuwi ito.

Subalit, mainit pa rin ang ulo ng biktima at  pinagmumura umano nito ang kuya na nauwi sa suntukan hanggang sa paluin umano ng baseball bat sa binti at ulo ang huli.

Paglabas ng bahay ng kuya ay kinuha nito ang  kutsilyo sa isang tindera sa labas ng kanilang bahay at sinaksak ang kapatid sa likod na napuruhan ang spinal column. – Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja –

 

BATAY

BIYERNES

CRISTINO CABRAL

CRISTOBAL CABRAL

DORIS FRANCHE-BORJA

HUWEBES

KUYA

LUDY BERMUDO

ROMUALDEZ ST.

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with