^

Police Metro

TRO sa cyber crime law walang petsa

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Indefinite” o walang petsang tinukoy kung hanggang kailan ang pag-iral ng temporary restraining order (TRO) sa implementasyon ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 matapos na ito ay palawigin muli ng Korte Suprema.

Ito ang sinabi ni Atty. Gleo Guerra, tagapagsa­lita ng SC na tatagal ang panibagong TRO hanggang walang panibagong kautusan.

Napag-alaman na noong Oktubre 9, 2012 nang magpalabas ng 120 days na TRO ang SC na tatagal sana hanggang ngayon.

Nauna nang hiniling ng 15 mga petitioner sa pangunguna ng National Press Club (NPC), National Union  of  Journalist of the Philipines (NUJP) at ilang mga militanteng grupo na panatilihin na lamang ang implementasyon ng TRO.

Pinababasura rin ng mga ito ang kontrobersyal na batas dahil sa nilalabag nito ang freedom of expression ng mga gumagamit ng social media.

CYBERCRIME PREVENTION ACT

GLEO GUERRA

JOURNALIST OF THE PHILIPINES

KORTE SUPREMA

NAPAG

NATIONAL PRESS CLUB

NATIONAL UNION

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with