^

Police Metro

Pintor nakuryente, utas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang pintor habang sugatan ang dalawa niyang kasama makaraang tamaan ng malakas na boltahe ng kuryente habang may kinukumpuni sa isang bahay sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Ivan Soledad, 28, binata habang ang mga sugatan naman ay sina Berlin Asuncion, 31 at Rommel Peseto, 32 na pawang mga kawani ng Escon builders at residente sa Brgy. Culiat sa lungsod.

Sinabi ni SPO2 Jaime Jimena, may-hawak ng kaso, si Soledad ay nasawi habang sinusubukang iligtas ng mga manggagamot sa may East Avenue Medical Center kung saan naman nagpagaling ang mga biktimang sina Asuncion at Peseto.

Ang insidente ay naganap sa bahay na kanilang ginagawa sa  #86K 6th St., Kamias, ganap na alas-3:45 ng hapon.

Ayon sa report, habang tinatanggal ng mga biktima ang scaffoldings sa ikalawang palapag ng naturang bahay nang madikit ang hawak nilang ‘led pipes’ ng scaffol­dings sa kawad ng kur­yente.

Sabay-sabay na nakuryente ang tatlo, pero sina Asuncion at Peseto ay nagawang makahawak sa isa pang scaffoldings na nakapirmi sa lugar kung kaya hindi sila nahulog na tulad ni Soledad na tumalsik at diretsong bumagsak sa ibaba na una ang kanyang ulo.

Agad na isinugod ang mga biktima sa EAMC at doon nalagutan ng hini­nga si Soledad at ang dalawa ay nagpapagaling pa.

ASUNCION

BERLIN ASUNCION

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

IVAN SOLEDAD

JAIME JIMENA

PESETO

QUEZON CITY

ROMMEL PESETO

SOLEDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with