^

Police Metro

Tatay patay, mag-ina, 1 pa sugatan sa salpok

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang freelance photographer habang ang kanyang mag-ina at isang kasama ay nasugatan matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa center island ng flyover kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Glen Awayan, 37-an­yos habang nasugatan ang misis nitong si Florida Ferrer, 19-anyos at 3 buwang gulang nilang anak na si Kipthiara Jean, kapwa residente sa #120 Bonn St., Green Park Village, Pasig City  at driver ng kotse na si Richmond Tandoc, 37, freelance photographer ng #1213 Kaymito St., Valle Verde, Pasig City.

Batay sa ulat, bandang alas-12:45 kahapon ng madaling araw  ay sakay ang mga biktima ng Toyota Corolla (UTM-659) na minamaneho ni Tandoc nang sumalpok ito sa center island sa  south bound lane ng Katipunan flyover sa Brgy. Loyola Heights.

Sa lakas ng pagkasalpok ay tumama ang ulo ni Awayan na nakaupo sa harapan ng kotse na nagkataong hindi ito naka-seatbelt.

IdiIneklara ng mga  pulis na self accident  ang nangyari  at inaalam pa nila ang resulta ng eksaminasyon kung nakainom ng alak si Tandoc  na maaring maharap sa asunto.

 

vuukle comment

BONN ST.

FLORIDA FERRER

GLEN AWAYAN

GREEN PARK VILLAGE

KAYMITO ST.

KIPTHIARA JEAN

LOYOLA HEIGHTS

PASIG CITY

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with