4 na rebelde todas sa sagupaan
MANILA, Philippines - Napatay ang 4 na miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang mga sundalo sa 3 oras na bakbakan sa Brgy. Cayapa, Langangilang, Abra.
Batay sa ulat, ni Col. Loreto Mangundayao Jr., Spokesman ng Army’s 5th Infantry Division (ID), bandang alas-9:45 ng umaga nang makasagupa ng tropa ng 41st Infantry Battalion sa pamumuno ni 1st Lt. Ronnel Legarde ang may 30 armadong rebelde sa nasabing lugar.
Nabatid na nagresponde sa lugar ang tropa ng militar nang makatanggap ng report na puwersaÂhang nangingikil ng mga pera, pagkain at iba pa ang mga rebelde sa mga residente dito.
Agad na sinalubong ng mga rebelde nang pagpapaulan ng bala ang mga sundalo na nauwi sa bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig.
Wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa panig ng tropang gobÂyerno.
Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang M16 rifle, isang ICOM C-V8, isang martilyo, isang sako ng mga kagamitan sa kusina, isang kaban ng bigas at mga subersibong dokumento.
- Latest




















