^

Police Metro

Minimum wage sa sokor itinaas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinaas ng pamaha­laang South Korea  ang bagong mi­nimum wage sa lahat ng mga manggagawa kabilang na rito ang mga dayuhan na nasa ilalim ng Employment Permit System.

Sa report na isinumite kay Labor and Employment Secretary Rosalinda Dima­pi­lis-Baldoz ni POLO Ko­rea Labor Attaché Felicitas Q. Bay, na­ka­saad ang an­noun­cement ng Ministry of Employment and Labour (MOEL) na mula 1 Ene­ro hang­gang Disyembre 31, 2013,  ang minimum daily wage ay  38,880 Korean won, para sa 8 oras na pagtratrabaho araw-araw, o ang kabuuang buwanang suweldo na KRW 1,015,740 Korean won (ka­tumbas ng USD 958.00).

Ang bagong rate ay kuma­katawan sa 5.76 percent na  mataas kumpara sa minimum wage rate noong 2012 na 36,640 bawat 8-hour na tra­baho.

Gayunman, nilinaw dito na ang bagong minimum wage rate ay hindi maaaring ipatupad sa mga manggagawang may disabilities, sa mga nag­ta­trabaho sa family busi­nesses, domestic workers at mga ma­rino o seafarers.

 Ang Minimum Wage Council ng Korea ay binu­buo ng mga kinatawan mula sa ma­nagement, labour, at pub­lic interest, na karami­han ay academicians at nagrere­komenda ng minimum wage rate sa Ministry of Labor ng Ko­rea.

Mula 2004 ay umaabot na ngayon sa 30,000 mangga­ga­wang Filipino ang nagta­trabaho sa Korea.

ANG MINIMUM WAGE COUNCIL

EMPLOYMENT PERMIT SYSTEM

FELICITAS Q

LABOR AND EMPLOYMENT SECRETARY ROSALINDA DIMA

LABOR ATTACH

MINISTRY OF EMPLOYMENT AND LABOUR

MINISTRY OF LABOR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with