^

Police Metro

Pulis na nagreklamo, inaresto ng kabaro

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Laking gulat ng isang pulis na siya pa ang aares­tuhin ng kanyang mga kabaro matapos si­yang magpa-blotter laban sa isang lalaki na nag­tang­kang sumaksak sa kanya kamakalawa sa Parañaque City.

Ipinabatid naman ng mga kabaro sa suspek na si PO2 Arman Anthony Escallante, 39, nakatalaga sa Muntinlupa City   Police Community Precinct (PCP)-7 na kaya siya ay ina­resto dahil nakabaril ito ng isang fish vendor nang barilin niya ang nag­tangkang sumaksak na isang alyas Dionisio Cabiao, Jr.

Kinasuhan si PO2 Es­callante ng kasong pag­labag sa Omnibus Election Code o gun ban.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ay pa­sakay na sa kanyang mo­torsiklo si PO2 Escallante  sa Pascua St., Tramo I Ba­rangay San Dionisio  ng naturang lungsod nang lapitan siya ni Cabiao at inundayan ng saksak sa hindi pa batid na dahilan.

Nailagan ni PO2 Es­callante ang pananaksak kaya’t binunot niya ang dalang kalibre .9mm na baril at pinaputukan si Cabiao, subalit hindi ito tinamaan at ang tinamaan ng bala sa kaliwang braso ang fish vendor na si Jessie Gabon, 35 na  kasalukuyang nakaratay sa Philippine General Hospital (PGH) isailalim ito sa operasyon.

Nabatid na nakasibilyan  si PO2 Escallante nang gawin ang pamamaril kaya’t sinampahan ito ng kaso.

ARMAN ANTHONY ESCALLANTE

CABIAO

DIONISIO CABIAO

ESCALLANTE

JESSIE GABON

MUNTINLUPA CITY

OMNIBUS ELECTION CODE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with