Chief of staff ni JPE lumayas na sa Senado
MANILA, Philippines - Matapos maghain noong nakaraang linggo ng kanyang irrevocable resignation ay tuluyan nang nag-alsa balutan sa Senado ang chief of staff ni Senate President Juan Ponce-Enrile na si Atty. Gigi Reyes na halos 25 taon nagtrabaho sa Senado.
Ito ang kinumpirma ng isang source, na nakuha na ni Reyes ang lahat ng kanyang gamit sa kanyang tanggapan na nasa 6th floor sa Office of the Senate President.
Nauna ng sinabi ni Enrile na hihikayatin niya si Reyes na manatili sa kanyang posisyon dahil ito ang nakakaalam ng maraming bagay sa kanyang tanggapan.
Matatandaan na sinabi ni Reyes na hindi na kailangan pag-aprubahan ni Enrile ang kanyang pagbibitiw bilang chief of staff nito dahil “irrevocable†ang isinumite niyang resignation.
Nadamay si Reyes sa sagutan nina Enrile at Minority Leader Alan Peter Cayetano matapos punahin ng huli na masyado itong makapangyarihan na nakakadalo kahit sa caucus ng mga senador.
- Latest
- Trending