^

Police Metro

Matapos mag-withdraw ng P800K sa bangko… Tsinoy trader todas sa nakamotor

Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang negosyanteng Tsi­noy ang pinagbabaril ng isa sa dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng umaga sa Green­hills San Juan City.

Ang biktima na nasawi noon ay kinilalang si Kelvin Tan, 34, may-ari ng isang construction firm na KT Builders at residente ng 16 18th Street New Manila, Quezon City.

Batay sa ulat, dakong alas-10:35 ng umaga ay katatapos lang na mag-withdraw ang biktima ng halagang P800,00 sa isang sangay ng Chinabank na matatagpuan sa Madison St., Ortigas Avenue at inabot niya ang nasabing pera sa isang bodyguard ng kaibigang si Benedict Tan na naghihintay sa isang coffee shop.

Matapos maiabot ang pera ng biktima ay nagpunta na ito sa kanyang nakaparadang puting Toyota Altis (POZ-789) at paupo na sa driver seat nang biglang sumulpot ang isang suspek na nakasuot ng barong Tagalog at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima na namatay noon din.

Nakita ng mga saksi na ang suspek ay armado ng kalibre 45 baril at sumakay sa isang motorsiklo na minaneho ng kanyang kasama na nagsilbing lookout at mabilis na tumakas.

Ayon naman kay Sr. Supt. Bernard Tambaoan, hepe ng San Juan Police, na nakita ng closed-circuit television (CCTV) camera na nakalagay sa lugar ang suspek, subalit malabo anya ang kopya at hindi sapat para makilala ang gunman.

Ayon sa pulisya na kahit hindi nakuha ang nasabing pera ay hindi inaalis ng pulisya na ang motibo sa pagpatay ay pagnanakaw.

Sinisilip din nila ang away sa negosyo ang dahilan ng pag­patay.

Narekober sa lugar ang limang basyo ng bala ng kalibre 45.

vuukle comment

AYON

BENEDICT TAN

BERNARD TAMBAOAN

ISANG

KELVIN TAN

MADISON ST.

ORTIGAS AVENUE

QUEZON CITY

SAN JUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with