2 obispo nagbitiw sa puwesto
MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ng pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na tinanggap na ni Pope Benedict XVI ang maagang nagbitiw sa puwesto ng dalawang Obispo ng Simbahang Katoliko.
Kinumpirma ni Archbishop Giuseppe Pinto, apostolic nuncio ng Vatican sa Pilipinas ang resignation nina Caloocan Bishop Deogracias Iñiquez at San Pablo, Laguna Bishop Leo Drona. Sinasabing nagpasiya umano ng mas maagang pagbibitiw sa puwesto ng dalawa, kaysa sa kanilang retirement age na dapat nasa edad 75 pa. Si Iñiguez ay 72-anyos pa lamang habang si Drona naman ay 71.
Si Iñiguez ang naging Obispo ng Caloocan Diocese simula nang maitatag ito noon pang Agosto 2003. Isa siya sa mga kilalang Obispo sa bansa dahil madalas itong mahiÂngian ng opinyon sa ilang social issues, bilang chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs.
Habang si Drona ang ikatlong Obispo ng San Pablo at naitalaga sa naturang puwesto noong Mayo 14, 2004. Papalitan siya sa puwesto ni Bishop Buenaventura Famadico ng Diocese of Gumaca, Quezon.
- Latest