MANILA, Philippines - Labindalawang katao ang nasugatan matapos na sumabog ang tangke ng liquified petroleum gas (LPG) kamakalawa ng gabi, sa Sta. Mesa, Maynila.
Isinugod sa Sta. Ana Hospital sina Federico LaÂbao Jr., 32; Franciso Escorma, 39; Rose Marie Nieto, 9; Joan Cañada, 40, buntis; Nilo Cañada, 49; Gerald Baguio, 33, na may pinakagrabeng lapnos sa katawan; Ferdinand Funtado, 44; at Michael Jara, 33.
Dinala naman sa Unciano Hospital sina Coleen Kabalatungan, 36; Cedric Labao, 2, na may sugat sa ulo at braso; Uldarico Kabalatungan na tinamaan sa paa at braso; at John Ervic Ednilan, 1, na tinatahi ang ulo dahil sa pagkabiyak at ama nitong si Joel Ednilan, na nagtamo rin ng sugat.
Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi matapos umanong magluto sa LPG ang mga nakatira sa ikalawang palapag ay bigla itong sumabog at nabutas ang kongkretong pader na tumagos sa ikatlong paÂlapag ng nasabing apartment.