Pulis na hinihintay ang misis todas sa ambush
MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng limang kalalakihan ang isang pulis habang naghihintay sa kanyang misis kahapon ng umaga sa Malabon City.
Namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan at ulo ang biktmang si PO2 Rolando Madronero Jr., 32, nakatalaga sa Regional Holding Area ng National Capital Region Police Office.
Batay sa ulat, dakong alas-6:45 ng umaga ay naÂÂkaÂupo sa kanyang moÂtorÂsiklo ang biktima at hiÂnihintay ang kanyang misis na hindi binanggit ang pangalan sa 1st St., BaÂranÂgay Tañong ng naturang lungsod upang bigyan ng monthly financial support.
Dito ay biglang sumulÂpot ang mga suspek at agad na pinagbabaril ang biktima hanggang sa buÂmulagta ito sa kalye.
Nang masigurong patay na kasÂwal lang na naglakad ang mga suspek na tila paÂrang walang nangÂyari.
Patuloy ang imbestiÂgasyon ng pulisya kung ano ang motibo ng pamaÂmasÂlang sa nasabing pulis.
- Latest
- Trending