^

Police Metro

4-anyos na lalaki kinatay ng epileptic

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagtataga sa ulo at kinarit pa ang leeg ng isang 4-anyos na batang lalaki ng isang lalaking epileptic sa Isabela, Negros Occidental kamakalawa.

Ang nasawi ay nakila­lang si July John Puping, ng Brgy. Camang-Camang, Isabela ng lalawigang ito.

Bugbog sarado naman sa taumbayan bago pa man masakote ng mga otoridad ang suspek na si Joel Ca­nion, 19-anyos, umano’y may­sakit na epilepsy.

Batay sa ulat, pasado alas-4:00 ng hapon ay naglalakad ang biktima at kapatid nito pauwi sa ka­nilang bahay sa Brgy.Camang-Camang, Isabela nang harangin ng suspek at isinagawa ang brutal na pagpatay.

Nagawang makatakbo ang nakatatandang kapatid ng biktima na isa ring bata na siyang nagsumbong sa mga magulang.

Nagtungo sa lugar ang mga magulang ng bata kasama ang ilang mga residente at nahabol ang suspek malapit sa bayan ng Castellana kung saan bugbog sarado ito.

vuukle comment

BATAY

BRGY

BUGBOG

CAMANG-CAMANG

CASTELLANA

ISABELA

JOEL CA

JULY JOHN PUPING

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with