^

Police Metro

Hospital bills ni Marantan hindi sagot ng PNP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima na hindi sasagutin ng PNP ang gastusin sa pagpapagamot sa St. Luke’s Medical Center sa Global City ni Sr. Supt. Hansel Marantan, ang nasugatang team leader sa sumablay na operasyon ng madugong shootout sa Atimonan, Quezon na ikinasawi ng 13 katao.

Ayon kay Purisima, maaari lamang mag-claim si Marantan ng kaukulang halaga na naaayon lang sa patakaran ng PNP.

Anya, masyadong ma­taas ang bill ni Marantan gayong mayroon naman silang PNP General Hospital. 

Samantala, inihayag din ni Purisima na bubuwagin na ang Counter-Intelligence Unit ng Intelligence Group ng PNP, ang tanggapan na kinabi­bilangan ni Marantan dahil sa walang naiambag na magandang trabaho sa kapulisan.

Si Marantan, Deputy Chief ng Intelligence ng Police Regional Office (PRO) IV A ang namuno sa checkpoint at umano’y shootout sa grupo ng umano’y lider ng gun for hire na si Vic Siman na isang operator ng illegal gambling na bookies. 

Kabilang si Siman sa nasawi sa nasabing shootout na pinagdudahang rubout gayundin si Sr. Supt. Alfredo Consemino, dalawa nitong security escort, dalawang sundalo, isang environmentalist at iba pa.

Gayunman, nilinaw ni Purisima na papalitan lamang ito ng panibagong unit  na magtratrabaho ng naayon sa mandato ng PNP at maayos ang serbisyo.

 

vuukle comment

ALFREDO CONSEMINO

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

COUNTER-INTELLIGENCE UNIT

DEPUTY CHIEF

GENERAL HOSPITAL

GLOBAL CITY

MARANTAN

PURISIMA

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with