^

Police Metro

Networking sites tututukan ng COMELEC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Para matiyak na hindi magagamit ng mga pulitiko sa kanilang panga­ngampanya kaya ngayon pa lamang ay tututukan at babantayan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga networking sites.

Sa Balitaan sa Tinapayan, inamin ni Atty James Jimenez, tagapagsalita ng COMELEC, hindi nila kayang kontrolin ang social network na may malaking kontribusyon  ngayon sa pangangam­panya ng isang kandidato.

“Ang babantayan natin diyan ay iyong mga ibinebentang ads sa iba’t ibang web site”,  ani Jimenez.

Kasunod nito ay pinayuhan ni Jimenez ang publiko na i-unfriend o  huwag ng sundan o i-un­follow na lang ang mga makukulit na pulitiko na pumapasok sa kanilang mga account.

Ngunit  mas makabubuti rin aniya na bigyan na lamang ng pansin ng publiko lalo na at kung ang layunin ay para makilala nang husto ang kandidato.

Kasabay naman ng pormal nang pagsisimula ng election period sa bansa kahapon ay nagpahayag ng pag-asa si COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. na magiging matapat at malinis ang halalan na nakatakdang idaos sa bansa sa Mayo 14.

Sa tweet ni Brillantes nakasaad na “Election pe­riod starts now, and will end June 12, 2013… I pray for a clean, ho­nest, orderly and successful 2013 elections. May God bless us all!

 

ATTY JAMES JIMENEZ

BRILLANTES

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES JR.

JIMENEZ

KASABAY

KASUNOD

MAY GOD

NGUNIT

SA BALITAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with