^

Police Metro

P50 milyon shabu nadale sa NAIA

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakaiskor ang mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon matapos makum­piskahan ang isang Pinoy na nakilalang si Rosendo Bastatas Ariata sa kanyang dalang bagahe ng 11 kilong shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P50 milyon kamakalawa ng gabi sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Pasay City.

Base sa ulat na natanggap ni Biazon mula kina NAIA District Commander Marlon Alameda at Assistant Chief and Investigation Customs police Byron Carbonell, ng Task Force React, BoC na ang suspek ay ng Philippine Airlines, PR flight 307 at  dumating ito sa NAIA ay dakong alas-9:00 ng gabi mula Hong Kong.

Nagduda ang mga otoridad sa kilos at dalang ba­gahe ni Ariata kaya’t sinita na kung saan ay tinang­ka pa umanong suhulan ang isa  sa mga custom police na si Antonio Punzalan.

Kaya’t nang inspeksyunin ang dalang bagahe ng suspek ay nakita dito ang 7 kahon ng isang brand ng powder milk at nang alamin ang laman ay nakita dito ang nasabing 11 kilo ng shabu.

Agad na inaresto ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).

Ito ang kauna-unahang accomplishment ng BoC sa unang buwan ng Bagong Taon  na ikinabahala naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa ito ang unang pagkakaton na isang Pinoy ang
nagsilbing drug mule.

vuukle comment

ANTONIO PUNZALAN

ASSISTANT CHIEF AND INVESTIGATION CUSTOMS

BAGONG TAON

BUREAU OF CUSTOMS

BYRON CARBONELL

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DISTRICT COMMANDER MARLON ALAMEDA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with