Nagkarga ng bala sa Kawit massacre, naharap sa patung-patong na kaso
MANILA, Philippines - Walong bilang na multiple murder at 11 bilang ng frustrated murder ang isinampa kahapon ng Philippine National Police (PNP) kay John Paul Lopez na sidekick ng nag-amok na adik na si Ronald Bae na walang habas na nagpaputok na ikinasawi ng 9 katao at pagkasugat ng 9 iba pa bago ito naÂpasÂlang sa Kawit, Cavite noong Biyernes.
Ayon sa mga saksi na si Lopez ang umano’y nag-reload ng bala ng cal. 45 pistol ng suspek na Bae na ginamit nito sa pamamaril sa mga biktima sa Brgy. Tabon 1, Kawit, Cavite.
Nabatid na bago ang insidente ay magkasamang nag-iinuman at gumamit pa ng shabu sina Bae at Lopez noong Huwebes ng magdamag at kinaumagahan banÂdang alas-9:30 ng umaga nang gawin ang pamaÂmaril.
Sa panig naman ni Lopez, napilitan lamang umano siyang sundin si Bae na kargahan ng bala ang baril nito dahilan tinutukan siya ng baril.
Nakatakda ring imbiÂtahan ng pulisya ang iba pang nakasama sa inuman nina Bae bago giÂnawa ang ‘shooting ramÂpage’.
Nakatakda namang igawad ng Cavite police ang P100,000 reward sa sibilyan na tuÂmulong para mapasuko si Lopez.
- Latest