Masaganang ani sa Isabela tiniyak
MANILA, Philippines - Walang magiging problema sa suplay ng pagkain ang lalawigan ng Isabela kasama ang buong Hilaga at Gitnang Luzon dahil sa inaasahang masaganang ani ngayong 2013.
Ito ang inihayag ni Isabela Governor Bojie Dy, dahil sobra-sobra umano ang aanihing pananim ng kanilang lalawigan na hindi lang makakasapat kundi maÂlaking tulong pa sa ibang probinsiya sa kanilang rehiyon.
Ayon pa kay Dy na bukod sa masisipag ang kanilang magsasaka ay maganda rin ang kanilang programa sa agrikulrutura kaya’t inaasahan ang magandang ani sa kabila ng mga nagdaang kalamidad at iba pang problema sa mga pananim.
Idinagdag pa ni Dy na ang tagumpay nila sa agrikultura ay dahil sa inilunsad nilang prograÂmang BRO o Bojie-Rodito Opportunities na kung saan naglaan sila ng 9 point benefit package para sa maliliit na magsasaka.
Ang Isabela ay nagawaran ng Gawad Saka Award ng Department of Agriculture, topnotcher din sa produksyon ng palay at mais at may masiglang animal industry at maipagmamalaking fisheries sector.
Sinabi naman ni Vice Governor Rodito Albano na hindi pahuhuli ang Isabela sa mga tagumpay sa iba’t ibang sector na nagawa ng Pamahalaang Panlalawigan dahil sa pagtutulungan at malasakit sa mga magsasaka.
- Latest