^

Police Metro

Holdaper bulagta sa parak

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang holdaper makaraang manlaban sa mga mi­yembro ng Manila’s Fi­nest sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang napatay na holdaper ay nakilalang si Roger Rabina, 32-anyos, isang barker na residente ng Area B, Gate 14, Parola Compound, Tondo.

Nakatakas naman ang hindi pa nakikila­lang kasama ni Rabina na responsable sa panghoholdap sa isang pasahero ng kuliglig.

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo, ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-10:15 ng gabi, sa panulukan ng CM Recto at J. Abad Santos Avenue, sa Tondo.

Bago ang insidente, isang Mark  Pantaleon, 28, binata, collector  at residente ng Batasan Hills, Quezon City ang humingi ng saklolo sa nagpapatrulyang grupo ng  MPD-station 2 Anti-Crime Unit na kinabibilangan nina PO3 Nelson delos Reyes, PO3 Enrico Tendero, PO3 Clyde Villareal at PO2 Laurence Ignacio, matapos umanong holdapin ng dalawang armadong  suspek habang sakay ng kuliglig, kung saan nata­ngay ang kanyang itim na shoulder bag na naglalaman ng P2,000 cash at mahahalagang  gamit.

Itinuro ni Pantaleon sa mga pulis ang tumatakas na mga suspek at nang habulin at tangkaing pahintuin ay agad umanong nagpaputok si Rabina kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta ng pagkamatay nito habang nakatakas ang kanyang kasama.

Dumating sa crime scene ang isang Teresita Lampasa na nagsabi sa mga awtoridad na manugang niya ang nakabulagta.

Narekober mula sa napatay na suspek ang bag ng collector at isang kalibre 38 baril na may dalawa pang bala.

vuukle comment

ABAD SANTOS AVENUE

ANTI-CRIME UNIT

AREA B

BATASAN HILLS

CLYDE VILLAREAL

ENRICO TENDERO

HOMICIDE SECTION

LAURENCE IGNACIO

MARIO ASILO

PAROLA COMPOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with