^

Police Metro

Family driver dedo sa pagtitig

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi sa labas ng isang videoke bar ang family driver na si Raulito Ayano, 42, matapos itong barilin ng isang dispatcher na kanyang natitigan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Ang suspek na pinag­ha­hanap ng pulisya ay na­kilalang si Germando Malvar, 56, naninirahan sa Brgy. Old Balara.

Batay sa ulat, bago naganap ang pamamaril dakong alas-10:30 ng gabi sa panulukan ng Hukvet at Freedom St., ay galing sa bar ang biktima kasama ang pin­sang si Danilo Ma­putol kung saan sila nag-inuman.

Ilang oras ang lumipas ay lumabas na ang magpinsan para umalis sakay ng isang Mitsubishi Montero Sport.

Subalit, habang papaalis, naispatan ni Ayano si Malvar na tumititig sa kanya kung kaya bumaba ito ng sasakyan at nilapitan ang huli.

Kinompronta ng biktima ang suspek na nauwi sa suntukan, hanggang sa tangkaing awatin sila ng may-ari ng bar.

Habang nasa kainitan ng suntukan ay biglang naglabas ng baril si Malvar at binaril sa likuran ang biktima.

Agad na bumuwal ang biktima habang si Ayano naman ay mabilis na sumakay sa isang Honda XRM motorcycle at tuma­kas.

vuukle comment

AYANO

BRGY

DANILO MA

FREEDOM ST.

GERMANDO MALVAR

MALVAR

MITSUBISHI MONTERO SPORT

OLD BALARA

PASONG TAMO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with