^

Police Metro

Sinaksak habang hinihintay ang ka-textmate… bading nakipag-eyeball kay kamatayan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging ugat ng ka­matayan ng isang bading ang pa­ki­kipag-eyeball matapos siyang saksakin ng isang lalaking nagdaraan habang naghihintay sa ka-textmate kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ang biktima na na­ma­tay noon din ay nakilala lamang sa alyas na “Kye­me”, ang edad ay nasa pagitan ng 35-40, baling­kinitan ang katawan, may taas na 5’5” nakasuot ng kulay asul na t-shirt, itim na pants at pares ng sinelas.

Ayon sa mga katagpong textmate ni Kye­me, na miyembro ng kanilang text clan na nagdesisyong magkita-kita  sila sa lugar para lubusang magkaki­lala dahil tanging palitan lang ng text message sila nagkakausap.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Eric Lazo, dakong alas-4:40 ng madaling-araw ay nagdesisyong magkita-kita sa unang pagkakataon ang mga miyembro ng text clan kasama ang biktima sa harap ng city bus terminal na matatagpuan sa #2056 Quirino Highway, Brgy.Monica, Novaliches.

Habang naghihintay ang biktima at ibang kasama ay lumapit dito ang limang kalalakihan at isa sa mga ito ang bumunot ng patalim at sinaksak ang una.

Tinangkang awatin ng kasamahan ng biktima na si Steve Paul, 22 ang suspek, subalit siya naman ang binalingan at si­naksak sa kamay bago tumakas.

vuukle comment

AYON

BRGY

ERIC LAZO

HABANG

NOVALICHES

QUEZON CITY

QUIRINO HIGHWAY

SHY

STEVE PAUL

TINANGKANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with