Binata nahulog sa underpass, dedo
MANILA, Philippines - Dedo ang isang binata makaraang mawalan ng balance sa pag-upo nito sa bakal na beam at mahulog sa underpass ng CM Recto Avenue sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Sa inisyal na pagsisiyat ni PO3 Rodel Benitez, ng Manila Police District-Homicide Section, napuna na lamang ng mga vendor sa lugar ang nakalugmok na ang katawan ng biktimang kinilalang si Rolando Gadia Acosta, nasa hustong gulang at residente ng #730 San Bernardo St., Sta Cruz, Maynila.
Naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling araw sa underpass south bound ng Recto Avenue.
Sa inisyal na imbestigasyon, patungo ng Quiapo church ang biktima upang magsimba nang maisipang magpahinga muna sa lugar at sa pag-upo niya sa beam ay hindi akalaing mawalan ng balanse at bumaliktad kaya ito nahulog.
Gayunman, inaalam pa rin ng pulisya kung may ibang sangkot sa pagkahulog ng biktima na ikinasawi nito.
- Latest