^

Police Metro

Bebot binaril habang nagdiriwang ng kaarawan… araw ng pagsilang, araw ng kamatayan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Araw ng araw na pagsi­lang ng isang 24-anyos na babae ay naging araw din ng kanyang kamatayan ma­tapos siyang pagbabarilin  ng hindi pa kilalang lalaki  habang ipinagdiriwang ang kaarawan kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Ang biktima na idi­neklarang dead-on-arrival sa Rizal Medical Center, ay nakilalang si Renzi Navarro, mas kilala sa alyas na Karen, at residente ng
1262-Interior Quirino Ave­nue, San Dionisio, Pa­rañaque City, bunsod
nang tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa pulisya na posibleng kakilala ng biktima ang suspek dahil bago ang krimen ay nakita pa umanong nag-uusap ang mga ito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang pamamaril sa biktima dakong alas-3:45 ng madaling-araw sa madilim na bahagi ng San Agustin St., sa Barangay Malinao, Pasig City ay kasama ng biktima at mga kaibigang sina
Christine Lazo at Leo Ca­lingasan sa bahay ng huli sa San Agustin St.
sa Barangay Malinao, dakong alas-2:00 ng mada­ling-araw at nag-iinuman dahil ipinagdiriwang ang birthday ng una.

Makalipas ang halos isang oras at kala­hati ay nagpasiya ang biktima at kai­bigang si Lazo, na sun­duin ang isa pa
ni­­lang kaibigan na si Armando ‘Junior’ Eduenga na nakatira lang umano
sa nasabi rin barangay.

Pagdating naman nila sa bahay ni Junior ay tulog na ito kaya’t bumalik
na lamang ang bahay ni Calingasan.

Habang pabalik sa bahay ni Calingasan ay may kumausap na isang lalaki sa biktima sa isang madilim na eskinita.

Hinayaan lamang nina Calingasan na  mag-usap ang dalawa sa pag-aakalang kaibigan ng biktima ang kausap. Nagulat na lang umano si Calingasan nang big­lang makarinig
ng sunud-sunod na putok ng baril.

Nang tingnan ay nakita na duguang nakabulagta ang  biktima ka­ya’t isinugod ito sa nasabing paga­mutan, ngu­nit nasa­wi rin.

vuukle comment

BARANGAY MALINAO

BIKTIMA

CALINGASAN

CHRISTINE LAZO

INTERIOR QUIRINO AVE

LEO CA

PASIG CITY

RENZI NAVARRO

SAN AGUSTIN ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with