^

Police Metro

Nasabat na poultry products sinunog

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinunog kahapon ng Bureau of Customs (BoC) ang 60 tonelada na smuggled poultry meat tulad ng peking duck, pigeons at piglets na nagkakahalaga ng P40 milyon sa First Link Container Yard sa Manila North Harbour Center, Tondo, Maynila.

Ayon kay Bureau of Customs (BoC) Commis­sioner Ruffy Biazon ang mga smuggled na poultry meat  na  nasabat sa Port of Manila noong Oktubre ay sinunog upang matiyak na hindi maipupuslit palabas sa merkado lalo’t malapit na ang Kapaskuhan.

Sinabi pa ni  Biazon na sa pamamagitan nito ay  maiiwasan ang anumang pagkakasakit ng publiko mula sa mga puslit at kontaminadong pagkain na maaaring ihanda sa kanilang noche buena.

Doble ang ginagawang   monitoring at checking ng mga tauhan ng BoC upang hindi malusutan ngayon holiday season ng mga sin­dikato at mga mapagsamantalang negosyante.

Magugunita na lulan ng dalawang containers ang P40 milyong halaga ng kontrabando na galing sa China at idineklara ng consignee na HEXA Tra­ding bilang frozen mackerel na nasabat ng Customs nang idaan ito sa x-ray machines.

AYON

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

FIRST LINK CONTAINER YARD

KAPASKUHAN

MAGUGUNITA

MANILA NORTH HARBOUR CENTER

PORT OF MANILA

RUFFY BIAZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with