Kandidatong Bokal tinodas

MANILA, Philippines - Isang barangay chairman na kandidatong Bokal o Sangguniang Bayan member ang pinagbabaril at napatay ng mga hindi pa kilalang suspek kamakalawa ng gabi sa bayan ng Aroroy, Masbate.

Ang nasawi ay kinila­lang si Edwin Dalinog Amaro, chairman sa Brgy. Lu­y-a, Aroroy at kan­­di­da­tong SB sa ilalim ng partido ng Nationalist Peo­ple’s Coalition (NPC).

Batay sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi ay papauwi ang biktima sa ka­nilang bahay nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek na kanina pa uma­no nag-aabang.

Mabilis namang nagsitakas ang mga salarin patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Ang lalawigan ng Masbate ay kabilang sa 15 high risk areas na idineklara ng Comelec at PNP na hotpots sa halalan.

Show comments