^

Police Metro

Adik na pumatay ng estudyante, todas din sa parak

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang drug adik na tinuturong responsible sa pananaksak at pagpatay sa isang 12-taong gulang na estudyante ang napatay din ng mga tauhang ng Quezon City Police District (QCPD) matapos umanong lumaban sa mga awtoridad, kahapon ng madaling araw.

Ang napatay na adik ay nakilalang si Ruel Habal, 21, nakatira sa Catleya St., Barangay Bahay Toro, Quezon City.

Bago napatay ng mga awtoridad si Habal ay sinasabing pinagtripan nitong saksakin ang kanyang kapitbahay na grade 6 pupil na si Percy Delos  Santos.

Nasawi si Percy habang isinusugod sa Ve­terans Memorial Medical Center (VMMC) dahil  sa tama ng saksak ng kitchen knife sa likod.

Sa report ng QCPD Talipapa  Station 3,  bandang alas-12:00 ng madaling araw naglalakad ang  biktima at kapatid na lalaki sa may Catleya St., nang basta na lamang sumulpot  sa likuran nila si Habal na lango sa ipinagbabawal na gamot at walang sabi-sabing sinaksak nito ang biktima.

Agad namang nakahingi ng tulong sa mga awtoridad ang kapatid ng biktima at mabilis na nagresponde sa kinaganapan ng krimen at inaresto ang suspek pero nanlaban ito kaya nagkaroon ng sugat sa katawan.

Ganap na alas-3:00 ng madaling araw nang dalhin ng mga awtoridad sa VMMC ang suspek para ipa-medico legal ngunit nang-agaw umano ng baril kaya siya binaril at napatay.

vuukle comment

BARANGAY BAHAY TORO

CATLEYA ST.

GANAP

HABAL

ISANG

MEMORIAL MEDICAL CENTER

PERCY DELOS

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RUEL HABAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with