^

Police Metro

Army detachment nilusob… 2 sundalo todas, 4 sugatan sa NPA attack

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inatake at pinagbabaril ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang detachment ng militar na nagsasagawa ng peace and development program na ikinamatay ng dalawang  sundalo at pagkasugat ng apat na iba pa naganap kamakalawa sa Brgy. Antipolo, Albuera, Leyte.

Pansamantala munang hindi tinukoy ang pangalan ng mga nasawing sundalo dahil kailangan pang impormahan ang pamilya ng mga ito.

Kabilang naman sa mga nasugatan ay ang tatlong sundalo at ang sibilyang kinilalang si Edgar Boringa.

Batay sa ulat ni Col. Rafael Valencia, Commander ng Army’s 802nd Infantry Brigade (IB), dakong alas-7:50 ng gabi nang magpaulan  ng bala ng mga rebeldeng komunista sa nasabing lugar na ikinasugat ng sibilyang si Boringa.

Sumunod namang pinaputukan ng mga rebelde ang base ng Alpha Company ng Army’s 78th Infantry Battalion (IB) na nakabase sa lugar na ikinasawi ng dalawang sundalo at sugatan naman ang tatlo pa sa mga ito na mabilis na isinugod sa military hos­pital sa Ormoc City para malapatan ng lunas.

Ang nasabing tropa ng mga sundalo ay siyang nangangasiwa sa seguridad ng mga miyembro ng Bayanihan Team ng Army’s 19th Infantry Battalion na nagsasagawa ng peace and development program sa Brgy. Rubas, Jaro ng lalawigang nabanggit.

Magugunita na noong Nobyembre 30, 2012 ay isang sundalo ang nasawi at dalawa pa ang nasuga­tan mula sa mga elemento ng Army’s 78th Infantry Battalion ng tambangan ng mga rebelde sa Brgy. San Pedro, Albuera, Leyte.

ALBUERA

ALPHA COMPANY

BAYANIHAN TEAM

BRGY

EDGAR BORINGA

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

LEYTE

NEW PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with