^

Police Metro

Pagpapatupad sa EWD higpitan-transport group

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dapat anyang higpitan ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang pagpapatupad sa paggamit ng early warning device (EWD).

Ito ang apela ni Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) President Efren de Luna, dahil sa 35 hanggang 40 porsyento ng mga aksidenteng nagaganap lalo na sa mga lalawigan ay sanhi ng kawalan ng early warning device.

Panawagan ng grupo partikular sa Land Transportation Office na huwag isyuhan ng rehistrasyon ang isang sasakyan kung wala itong maipapakitang EWD.

Giit naman ng isang grupo ng mga nagmo-motorsiklo partikular ang Motorcycle Federation of the Philippines president Atoy Sta. Cruz, maituturing ngang sila ang pinakamalapit sa disgrasya sa tuwing may mga nakaparadang sasakyan na nasiraan at walang EWD.

Ayon kay Sta. Cruz, sila ang madalas mabulaga at sumalpok sa mga nasisiraang sasakyan na ang gamit na EWD ay dahon o yero lang lalo na sa mga probinsiya.

Sa tala ng PNP-HPG, umabot sa 5,021 major accidents ang kanilang naitala mula Enero hanggang Hulyo ngayong taong ito kung saan 593 ang nasawi habang 447 ang nasugatan. Alinsunod sa letter of instruction 229 ni LTO chief Virgie Torres, ang paggamit ng EWD ay mandatory sa lahat ng sasakyan maliban sa motorsiklo at tricycles. Ang hindi paggamit nito ay may katapat na parusa tulad ng multa, pagkumpiska sa lisensya ng driver at pag-impound sa sasakyan.

ALINSUNOD

ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORT ORGANIZATION

ATOY STA

AYON

CRUZ

DAPAT

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MOTORCYCLE FEDERATION OF THE PHILIPPINES

PRESIDENT EFREN

VIRGIE TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with