Tserman sinaksak ng anak

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kon­dis­yon ang barangay chair­man na si Silvino Lagrada, 64-anyos ng Brgy. Naahon, Sebaste, Antique matapos na saksakin ng anak nitong may diperensya sa pag-iisip na si Robert Lagrada, 28, naganap kahapon ng madaling-araw.

Batay sa ulat, dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang maganap ang in­sidente sa loob ng bahay ng mag-ama.

Nabatid na kauuwi lamang sa kanilang bahay ang biktima galing sa pakikipag­pulong sa kanilang mga ka-barangay nang bigla itong sugurin nang saksak ng anak.

 

Show comments