Ina, 2 anak todas sa suwag ng bus

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang ina at dalawa nitong paslit na anak habang 8 ang nasugatan matapos na suwagin ng isang pampasaherong bus ang kanilang bahay sa Brgy. Damgo, E.B. Maga­lona, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga na­sa­wing si Floreza Pelajeyos, at mga anak na sina Gaspar, 8 at Jillian Llames, 1; pawang residente ng nasabing lugar.

Isinugod naman sa Teresita Lopez Jalandoni Provincial Hospital sa Silay City ang walong nasu­gatan.

Batay sa ulat ng Negros Occidental Police, bandang ala-1:40 ng hapon nang bigla na lamang suyurin ng Ceres bus na minamaneho ni Jez Martinez, 44, ang bahay ng mag-iina.

Sinabi ng driver na nawalan siya ng kontrol sa manibela matapos na masiraan ng makina ang bus na may lulang 30 pasahero na patungo sanang Victorias City galing sa Bacolod City hanggang sa tuluy-tuloy na suwagin ang bahay ng pamilya Llames.

Ang driver ay pinagha­rap ng reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple physical injuries.

Show comments