^

Police Metro

Pangangasiwaan ni VM Joy B… one stop shop protection center itinatag

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mangangasiwa sa itata­yong one-stop-shop protection center na mag­la­laan ng medical, psychological, police at legal assis­tance sa mga biktima at survivors ng mga  gender-based violence at mga pang aabuso sa mga kababaihan, kabataan gayundin sa mga tomboy, bakla, bisexuals at transgenders.

Ang naturang  center ay itatayo sa bakanteng lote sa may QC Gene­ral Hospital (QCGH) na magkakaroon ng isang reception area, counse­ling at  psychotherapy room, medical examination room, interview at investigation room, isang  database room at isang  rest area na maglalaan ng ayuda sa mga nabibiktima ng mga pang aabuso.

Sa kanyang panig, sinabi ni Vice Mayor Belmonte na napapanahon ang paglikha sa naturang  protection center upang mapaglaanan ng kalinga at  tulong ang mga  nabibiktima ng mga karahasan at pang aabuso sa lungsod.

Sinabi ni Belmonte na batay sa  2008 data mula sa  National Statistics Office (NSO), may 20 percent ng mga kababaihan  na may edad 15 hangang  49 anyos ay nakakaranas ng physical violence.

 

 

AABUSO

BELMONTE

NATIONAL STATISTICS OFFICE

ROOM

SHY

SI QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

SINABI

VICE MAYOR BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with